Ang kasaysayan ng ating lahi ay isang napakapait na kwento kung maihahalintulad sa isang kwento ng buhay. Sino ako? Saang lahi ako nanggaling? Ano ang simula ng aking lahi? Eto ang karaniwang katanungan na di natin lubos maisip at maintindihan.
Kung paano nahubog ang kasaysayan ng ating lahi ay isang misteryo na hanggang sa ngayon ay naghahanap ng tuldok at kasagutan. Ang ating lahi mismo ay puno ng katanungan sino ang ama ng aking ama? Sino at saan naggaling ang aking ninuno? Sa 350 daang panankop ng dayuhang Kastila, ang ating mga pangalan ay pinagpapalitan upang iwala ang ating lahi. Nguni't sa pagpupumiglas ng ating mga ninuno na namulat sa pang aapi at pang aabuso, ito'y nag udyok ng hudyat upang ang ating mga ninuno ay mag kaisa na umaklas upang mapangalagaan ang ating kinabukasan.
Dumating ang mga Amerikano, kung dati ay relihiyon ang dala upang manakop, ngayo'y edukasyon sang-ayon sa maka Amerikanong pamumuhay. Pagkatapos natin makamtan ang kalayaan, tayo ba ay malaya na ngayon sa sarili nating bayan? Tayo ba'y malaya na ngayon sa mga interes ng iilan?
Bakit hindi natin gunitain ang kasaysayan at udyukin ang pagbubuklod-buklod na muli ng mga kaanak na siyang lumaban upang himukin ang tunay na pagbabago . . . bakit hindi tayo magkaisang muli upang gunitain at simulan na muli ang mga adhikaing pinaglaban ng ating mga ninuno?